Eto na po kami… – Felix

and Lito… the quick brown fox

Posted in News and Events | Leave a comment

A WOMAN OF SUBSTANCE…

It was her birthday…. And the night started with a beautiful mass… the homily was about the breaking of the bread: “To be taken, to be blessed, to be broken and to be shared”
I remember awhile back when Inday Ging struggled with the idea of running for mayor… it was not an easy decision. She knew what it would entail so much sacrifice from her and would uproot her from her comfortable and peaceful life.

“The seat of power is not easy” I recall her saying…”It took me awhile to discern what I was being called for”. It was during those days when behind her always youthful smile, I suspected she was going through some kind of battle inside.

Eventually, she realized that being called to this position of authority was a calling she had to say yes to. She know that this was a holy calling, she could not allow her doubts to interfere; because she knew she was being called for a higher purpose. The strength of this woman’s faith is admirable. She knew taking the call that she would be blessed, but she would also be broken in order for her to share her gifts with the people of the San Juan.

Her faith is seated in the love for God, that what she has been called to do, she has chosen to do better in absolute trust in the power and love of God.

Within her is a powerful force, filled with good instincts, passionate creativity, and ageless wisdom. History guides her with life-giving messages.  She touches the soul with humble simplicity; she heals. Her story is the journey of the city she serves from her heart. It is destined…. A true servant leader.

HAPPY BIRTHDAY INDAY GING!!!

Posted in In Blogs | Leave a comment

TAGUMPAY ng SAN JUAN

Ang tagumpay ng San Juan ay nakasalalay sa mga magagaling na lider.At sa bawat tagumpay nito ay isang lider na gaya ni Mayor JV Ejercito na may matigas na braso na pinasan sa kanyang balikat ang todo asensong pag-unlad ng San Juan at dito sa syudad ng San Juan ay may kasabihan na sa bawat tagumpay ng anak ay isang mabuti at magaling na pinagpipitaganang ina na si Madam Guia Gomez.Ika ni Mayor JV sa kanyang mga talumpati “ Bakit ba kailangan tumakbo silang mag-ina sa pulitika”?Ang 9 na taong panunungkulan ay napaka ikli upang maisakatuparan ang lahat ng mga programa sa San Juan bagamat ang lahat ay saludo sa panunungkulan ni Mayor JV ay gusto ng syudad na magtuloy-tuloy ay pag-asenso,sabi nga ni Mayor JV “Kamuntik na ako hindi makapag-asawa dahil inuna ko ang kapakanan ng ating bayan” at upang makasiguro na ito’y magpapatuloy at matutupad ay kailangan ng San Juan ang gaya ni Inday Ging na noon pa man ay tahimik na nagsisilbi sa ating syudad bilang Pink Lady at lingkod bayan na siyang walang kaduda-dudang magpapatuloy ng pag-unlad ng San Juan.Kay Inday Ging lamang maipagkakatiwala ng San Juaneno ang mga nasimulang adhikain at mga programa mula pa sa panunugkulan ni Pres.Erap ng siya’y naging alkalde.

Ngayon ay taglay ni Inday Ging ang tinaguriang bansag kay Mayor JV na BAYAN MUNA,BAGO ANG SARILI.Nagpapasalamat ang San Juan sa Poong Maykapal sa pagbibigay sa amin ng isang katangi-tanging si Inday Ging na subok na sa tibay at may kakayahang ipagpatuloy ang mga nagging programa ni Mayor JV. Ika ni Inday Ging sa kanyang talumpati sa Bgy.West Crame, “ Ako ay tutulong lamang ngunit tayo’y magtulungan at magsamahan “.Sa mga binigkas niyang ito ay lubos ang kagalakan ng mga tao sa pakikiisa sapagkat ang tagumpay ng San Juan ay nakasalalay sa aktibong partisipasyon ng komunidad at ng mga lider ng syudad .

Posted in In Blogs | Leave a comment

Wattah Wattah Street Dancing Competition

June 24, 2009 – Wattah Wattah Street Dancing Competition Winner – Barangay Sta. Lucia

Posted in Video | Leave a comment

San Juan Fiesta MV

A project of Mayor JV Ejercito in charge of activity of Councilor Vincent Pacheco and PIMBRO.

Posted in Video | Leave a comment

BAGONG HANAY NG MGA OPISYAL NG SAN JUAN IPRINOKLAMA NA

Pinangunahan ni San Juan City incumbent Mayor JV Ejercito at ng kanyang ina na tinagurian ding “Unang Ina ng San Juan”, Gng. Guia Gomez at ng incumbent councilor Francis Zamora ang bagong hanay ng pamunuan ng San Juan na opisyal nang ipiniroklama ng COMELEC bilang mga bagong halal na Congressman, Mayor at Vice Mayor, bandang ala-una ng madaling araw ng Mayo 11 sa San Juan Elementary School Gymnasium.

Dinumog ng mga taga-suporta ng mga kandidato San Juan ang umantabay mula sa botohan, pagbilang ng mga boto, pag-transmit ng mga boto sa iba’t-ibang polling places sa San Juan hanggang sa proklamasyon ng mga wagi sa lokal na eleksyon dala na rin ng pananabik sa resulta ng kauna-unahang automated election.

Ang bagong Kinatawan ng Kongreso, Kgg. JV Ejercito           na walang katunggali sa pwesto ay nakapagtala ng 47,840 na boto. Habang ang kanyang ina at kilalang civic leader at idol ng mga kababaihan, Gng. Guia Gomez ay nagkamit ng 42,119 na boto sa isang landslide victory sa pagka-mayor. Nasungkit naman ng incumbent District 2 Councilor, Francis Zamora ang pagka-Vice Mayor matapos nitong patumbahin ang mga kalaban sa kanyang 45,282 na boto.

Ang tatlong pinakamataas na lider ng San Juan ay pawang nagmula sa Partido Magdiwang, ang local affiliate party ng Pwersa ng Masang Pilipino.

Kasama sa hanay ng bagong pamunuan ng San Juan ang mga nanalong konsehal sa dalawang distrito ng San Juan.  Sina Vincent Rainier Pacheco na may 20,139 na boto; Ferdinand Velasco, 16,176; Angelo Agcaoli, 15,449; Edgardo Soriano, 15,313; William Go, 14,812 at Marie O’ Neal na may 13,907 na boto na pawang pambato rin ng Partido Magdiwang para sa Unang Distrito.

Bubuuin naman nina Jannah Ejercito na nagkamit ng 19,706 na boto, Rolando Bernardo, 16,957; Richard Peralta, 15,622; Andoni Carballo, 15,598; Leonardo Celles, 14,630 at Jose Warren Villa na may 13,435, ang konseho para sa Ikalawang distrito.

Pormal nang itatalaga at manunumpa sa kanilang mga tungkulin ang mga bagong halal sa Hunyo bago pa man sila opisyal na umupo bilang mga bagong lider ng Lungsod ng San Juan sa Hulyo 1, 2010.

Posted in News and Events | Leave a comment

LOVE IS IN THE AIR CONCERT, IDINAOS SA SAN JUAN

Damang-dama at maromantikong naidaos ang libreng konsyertong handog ni Mayor JV Ejercito, katuwang ang PLDT My DSL and JAM 88.3 na pre-valentine “Love is in the Air Concert” na ginanap sa Liwasan ng Batang San Juan noong Pebrero 11, 2010. Punong-puno ng manonood ang nasabing lugar hanggang sa ka­habaan ng F. Sevilla St. at Dr. Ejercito Streets.

Pinangunahan nina Coun. Vincent Pacheco at Warren Villa ang nasabing konsyerto. Tuwang-tuwa ang mga manonood ng nagsimula ng kumanta ang grupo ng Fairground, Shamrock, at MYMP. Tanging si Paolo Santos ang solo at tumugtog ng acoustic number.

Nakisaya rin sina Vice-Mayor Leonardo Celles, Konsehal Francis Zamora, Ferdie Velasco, Noel Rozon at Ritchie Peralta.

Matatandaan na nagsimula ang libreng konsyerto para bu­wan ng mga puso noong 2008.

Posted in News and Events | 1 Comment