BAGONG HANAY NG MGA OPISYAL NG SAN JUAN IPRINOKLAMA NA

Pinangunahan ni San Juan City incumbent Mayor JV Ejercito at ng kanyang ina na tinagurian ding “Unang Ina ng San Juan”, Gng. Guia Gomez at ng incumbent councilor Francis Zamora ang bagong hanay ng pamunuan ng San Juan na opisyal nang ipiniroklama ng COMELEC bilang mga bagong halal na Congressman, Mayor at Vice Mayor, bandang ala-una ng madaling araw ng Mayo 11 sa San Juan Elementary School Gymnasium.

Dinumog ng mga taga-suporta ng mga kandidato San Juan ang umantabay mula sa botohan, pagbilang ng mga boto, pag-transmit ng mga boto sa iba’t-ibang polling places sa San Juan hanggang sa proklamasyon ng mga wagi sa lokal na eleksyon dala na rin ng pananabik sa resulta ng kauna-unahang automated election.

Ang bagong Kinatawan ng Kongreso, Kgg. JV Ejercito           na walang katunggali sa pwesto ay nakapagtala ng 47,840 na boto. Habang ang kanyang ina at kilalang civic leader at idol ng mga kababaihan, Gng. Guia Gomez ay nagkamit ng 42,119 na boto sa isang landslide victory sa pagka-mayor. Nasungkit naman ng incumbent District 2 Councilor, Francis Zamora ang pagka-Vice Mayor matapos nitong patumbahin ang mga kalaban sa kanyang 45,282 na boto.

Ang tatlong pinakamataas na lider ng San Juan ay pawang nagmula sa Partido Magdiwang, ang local affiliate party ng Pwersa ng Masang Pilipino.

Kasama sa hanay ng bagong pamunuan ng San Juan ang mga nanalong konsehal sa dalawang distrito ng San Juan.  Sina Vincent Rainier Pacheco na may 20,139 na boto; Ferdinand Velasco, 16,176; Angelo Agcaoli, 15,449; Edgardo Soriano, 15,313; William Go, 14,812 at Marie O’ Neal na may 13,907 na boto na pawang pambato rin ng Partido Magdiwang para sa Unang Distrito.

Bubuuin naman nina Jannah Ejercito na nagkamit ng 19,706 na boto, Rolando Bernardo, 16,957; Richard Peralta, 15,622; Andoni Carballo, 15,598; Leonardo Celles, 14,630 at Jose Warren Villa na may 13,435, ang konseho para sa Ikalawang distrito.

Pormal nang itatalaga at manunumpa sa kanilang mga tungkulin ang mga bagong halal sa Hunyo bago pa man sila opisyal na umupo bilang mga bagong lider ng Lungsod ng San Juan sa Hulyo 1, 2010.

Advertisements
This entry was posted in News and Events. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s